|
Pagtaya
via sa Internet
Ang Expekt.com ay nag-aalok ng ilan sa pinakamagagandang probabilidad
sa merkado sa marami-raming labanan sa isport. Makakataya kayo sa amin
ng 24 oras sa isang araw. Ang kompaniya ay itinatag para lamang sa tayaan
sa isport na nangangahulugan na ang aming organisasyon ay nilikha upang
maibigay namin sa aming mga kliyente ang pinakamagaling na serbisyo sa
Internet. Nilalayon naming ibigay ang pinakapantay at pinakamagaling na
serbisyo ng tayaan sa isport nang direkta sa Internet. Ang aming matatag
na pokus sa Internet ay nangangahulugan din na dito lamang sa amin ninyo
makikita ang pinakamakabagong mga serbisyo at solusyon-tekniko ng tayaan
sa Internet.
Kaalaman pang-teknikal
Ang serbisyo ng tayaan sa Internet ay kinabibilangan ng pagkakataong makagamit
at makataya ng 24 oras sa isang araw, na ang inyong mga tinayaan ay pinapalakad
sa sigurado at responsableng paraan at walang di-awtorisado ang makakagamit
sa inyong kwentas ng tayaan. Mayroong mataas na pangangailangan sa teknikong
imprastruktura para sa buki ng Internet. Ang responsableng inhiniyero-tekniko
ng Expekt.com ay may mahabang esperiyensiya sa pagdedebelop ng mga sityo
na humahawak ng marami-raming magkasabay na mga transaksiyon at tagagamit.
Ang sityo ng Expekt.com ay may pangangailangan sa seguridad at pagganap
tulad ng mga sityong gamit sa mga serbisyo ng bangko at pagbebenta ng
mga kaparti sa negosyo. Ang mga kompyuter na nagpapalakad ng tayaan ay
matatagpuan sa magkaibang mga sentro ng kompyuter na may ilang laang solusyon
na maaaring magamit sa pagkakataong may malulubhang problema-tekniko.
Paano tumaya sa Expekt.com?
Ang pagtaya sa Expekt.com ay simple, ligtas at madaling gamitin. Maaari
kayong tumaya sa Internet kaya’t wala nang oras ng pagbubukas na dapat
bantayan. Maaari kayong tumaya ng 24 oras sa isang araw at hanggang 5
minuto bago ang umpisa ng labanan. Ang Expekt.com ay nag-aalok ng posibilidad
na tumaya sa marami-raming labanan sa magkakaibang isport, halimbawa putbol,
ice hockey, tenis, pag-iiski, golp, atletiks at Pormula 1. Sa bawat isport
pinagsisikapan naming saklawin ang lahat ng kawili-wiling mga labanan,
na nangangahulugan na mayroon kaming 300-400 mga labanan sa bawat linggo
na maaaring tayaan.
Magbukas ng kwentas ng tayaan
Upang tumaya sa Expekt.com kakailanganin ninyong magbukas ng kwentas sa
pamamagitan ng pagparehistro sa aming sityo. Kapag kayo ay nakapagparehistro
makakatanggap kayo ng ID ng kliyente. Itong personal na ID ng kliyente
ay inyong gagamitin sa tuwing kakailanganin ninyong makipag-ugnayan sa
Expekt.com. Ang pagbukas ng kwentas ay libre at maaaring isara sa anumang
oras. Ang lahat ng mga transaksiyon sa inyong kwentas ay nakatala sa paraang
tulad ng sa kwentas ng bangko sa isang bangko. Kontrolado ninyo ang inyong
pagtaya.
Isaaktibo ang kwentas
Maisaaktibo ninyo ang inyong kwentas ng tayaan sa pamamagitan ng pagdeposito
ng pera sa isa sa mga kwentas ng Expekt.com. Kapag nagdeposito kayo mahalagang
tandaan ang inyong ID ng kliyente at pangalan. Maaaring magtagal ng 3-4
araw ng pasok bago namin matanggap ang kumpirmasiyon ng deposito mula
sa bangko at mailagay sa inyong kwentas upang kayo ay makapag-umpisang
tumaya.
Tumaya
Ang pagtaya sa Expekt.com ay napakasimple. Kayo ay papasok gamit ang inyong
ngalan ng tagagamit at kontrasenyas na napili ninyo noong kayo ay nagparehistro.
Kapag kayo ay nakapasok sa inyong personal na kwentas maaari na kayong
tumaya sa mga labanang ang probabilidad ay inaalok ng Expekt.com sa kasalukuyan.
Piliin lamang ninyo ang mga labanang nais ninyong tayaan at i-klik ang
katapat na probabilidad. Mabubuo ninyo ang inyong bilyete sa pamamagitan
ng pagsasama ng hanggang 20 mga labanan sa ganitong paraan. Maaari na
kayong mamili ng halagang nais ipusta at tapusin sa pamamagitan ng pagkumpirma
ng inyong tinayaan.
Kolektahin ang inyong napanalunan
Ang napanalunan ay direktang babayaran sa inyong kwentas ng tayaan matapos
lamang ang huling labanan sa inyong bilyete. Maaari kayong humiling na
maglabas ng pera mula sa inyong kwentas ng tayaan tungo sa inyong kwentas
ng bangko. Walang deretsos para sa mga bansa kung saan ang Expekt.com
ay may kwentas. At ang pera ay kadalasang nasa inyong kwentas ng bangko
matapos ang dalawa hanggang limang araw depende sa inyong bangko. Ang
lahat ng napanalunan mula sa Expekt.com ay libre-buwis.
Seguridad
Gumagamit kami ng pinakamakabagong teknolohiya upang mapanatili ang mataas
na seguridad para sa aming mga kliyente. Ang lahat ng mga transaksiyon
sa pagitan ng mga kliyente at ng Expekt.com ay nakasipra. Ang responsableng
inhiniyero-tekniko sa Expekt.com ay may mahabang esperiyensiya sa pagdedebelop
ng mga sityo na nagpapalakad ng marami-raming bilang ng mga magkasabay
na transaksiyon at tagagamit. Ang sityo ng Expekt.com ay dinibelop na
may parehong pangangailangan sa seguridad at pagganap tulad ng sa mga
sityong gamit para sa mga serbisyo ng bangko at pagbebenta ng kaparti
sa negosyo. Tandaan na mahalaga pa rin na kayo bilang kliyente ay gumawa
ng mga hakbanging itago ang inyong kontrasenyas sa ligtas na lugar upang
walang sinumang di-awtorisado ang makakagamit nito at lumabas sa bawat
sesyon.
Mas magagandang probilidad
Ang Expekt.com ay nag-aalok ng ilan sa mas magagandang probabilidad sa
merkado. Sa pamamagitan ng pag-alok ng probabilidad sa Internet napapanatili
naming mababa ang aming babayaring administratibo at maaaring makapag-alok
ng mas magagandang probabilidad kaysa sa mga tradisyunal na kompaniya
ng tayaan. Sa Expekt.com maaari kayong tumaya sa solo hal. maaari kayong
pumili ng tamang kalalabasan ng isang labanan. Ito ay nangangahulugan
na mas mataas ang inyong pagkakataong manalo bilang kliyente. Tangi pa
riyan nag-aalok kami ng pirmang probabilidad, na nangangahulugan na ang
probabilidad na tinayaan ninyo ay siyang probabilidad na makukuha ninyo
sa bandang huli. Ang Expekt.com ay regular na nag-aayos ng probabilidad
sa talaan ng probabilidad nguni’t nakakatiyak kayo na ang makukuha ninyong
probabilidad ay yaong nakumpirma sa panahong kayo ay tumaya.
Magbukas ng account - mag-rehistro na at umpisahan
tumaya
|